Ika-17 Ng Setyembre

Banal Na Stigmata Ng Amang San Francisco

Kapistahan

Mula sa simula ng kanyang pagbabalik-loob, ang ating banal na Amang Francisco ay nagkaroon ng masidhing debosyon at paggalang kay Kristong ipinako sa krus, at walang humpay siya sa pangangaral tungkol dito hanggang sa kanyang kamatayan. Noong taong 1224, habang siya ay nakatuon sa malalim na pagninilay sa Bundok ng Alverna, sa pamamagitan ng isang kahanga-hangang himala ay inilagak ni Kristong Panginoon ang mga bakas ng Kanyang Pagpapakasakit sa katawan ng santo. Pinahintulutan ni Papa Benito XI ang Ordeng Pransiskano na ipagdiwang taon-taon sa araw na ito ang pag-alaala sa pambihirang pangyayaring ito, na pinatotohanan ng mga mapagkakatiwalaang saksi.

Pambungad

Gal 6:14

Ang krus lamang ng ating Panginoong Hesukristo ang sya kong ipinagmamapuri,Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang krus, ang sanlibuta’y patay na para sa akinAt ako’y patay na para sa sanlibutan.

Panalanging Pambungad

O God, who filled the Priest and Martyr
Saint Maximilian Kolbe
with a burning love for the Immaculate Virgin Mary
and with zeal for souls and love of neighbor,
graciously grant, through his intercession,
that, striving for your glory by eagerly serving others,
we may be conformed, even until death, to your Son.
Who lives and reigns with you
in the unity of the Holy Spirit,
God, for ever and ever.

Panalangin ukol sa mga Alay

Ama naming Lumikha,
nawa ang pakumbaba at matapatna panalangin
ni Amang San Francisco ay magpatatag sa amin
at sa pamamagitan ng alay na ito
ay lagi naming maranasan ang kaligtasang dulot
ng Pagpapakasakit ng Iyong Anak,
na Siyang nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

Pagbubunyi o Prepasyo ni San Francisco ng Assisi

Ang sumusunod na Prepasyo ay ginagamit sa Dakilang Kapistahan ni San Francisco. Ginagamit din ito sa mga kapistahan ng Pagtatalaga sa Basilika ni San Francisco sa Assisi at ng Pagkakaroon Banal na Stigmata ng Amang Francisco.

V: Sumainyo ang Panginoon. 
R: At sumainyo rin.
V: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. 
R: Itinaas na naming sa Panginoon.
V: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. 
R: Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.
Itinampok mo ang iyong lingkod
na si Amang San Francisco
sa pamamagitan ng dakilang karukhaan at pagpapakumbaba
sa kasukdulan ng makalangit na kaganapan.
Pinag-alab mo siya ng tunay na pagmamahal
upang buong kagalakan magpuri sa iyo
sa pamamagitan ng lahat mong nilikha.
Tinatakan mo siya ng Banal na Stigmata,
ipinagkaloob mo sa amin ang salamin
ng nakapakong Panginoon.

Kaya sa pamamagitan niya,
kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Pakikinabang

Mt 16:24

Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin ang kanyang sarili,
Pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.

Panalangin Pagkapakinabang

Ama naming mapagmahal,
sa iba’t ibang pamamaraan ay ipinamalas mo
ang mapaghimalang misteryo ng krus
sa buhay ni Amang San Francisco,
nawa’y masundan naminang halimbawa
ng kanyang pamimintuho at makasusumpong ng lakas
sa palagiang pagninilay sa krus.
Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Unang Pagbasa

Galacia 6:14-18

Sapat na ang mga pilat na taglay ko para makilalang ako’y lingkod ni Hesus.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid,
ang krus lamang ng ating Panginoong Hesukristo
ang siya kong ipinagmamapuri.
Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang krus,
ang sanlibuta’y patay na para sa akin
at ako’y patay na para sa sanlibutan.
Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao.
Ang mahalaga’y ang pagiging bagong nilalang.
Sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito,
at sa mga nananatiling tapat na bayan ng Diyos,
nawa’y sumakanila ang kapayapaan
at pagpapala ng Diyos!

Kaya mula ngayon,
huwag nang dagdagan ninuman
ang aking mga paghihirap.
Sapat na ang mga pilat na taglay ko
para makilalang ako’y lingkod ni Hesus.
Mga kapatid, sumainyo nawang lahat
ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo. Amen.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan

Cf. Gal 2:16, 20; Fil 1:20-21

℟ (Gal 2:19) Ipinako na akong kasama ni Kristo sa krus.

Ang tao’y pinawawalang-sala
dahil sa pananampalataya kay Hesukristo.
Kaya’t kami rin ay sumasampalataya kay Hesukristo
upang mapawalang-sala sa pamamagitan
ng pananampalataya sa Kanya.

℟ Ipinako na akong kasama ni Kristo sa krus.

Ang aking pinakananais at inaasahan
ay ang hindi ako mapahiya sa anumang bagay;
kundi sa lahat ng panahon
ay buong tapang kong maparangalan si Kristo
sa buhay man o sa kamatayan man.

℟ Ipinako na akong kasama ni Kristo sa krus.

Sapagkat para sa akin, si Kristo ang aking buhay
at kahit kamatayan ay pakinabang.

℟ Ipinako na akong kasama ni Kristo sa krus.

Alleluia

Gal 2:19b-20

℟ Alleluia. Alleluia.

Namatay na akong kasama ni Kristo sa krus.
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon
kundi si Kristo na ang nabubuhay sa akin.

℟ Alleluia. Alleluia.

Mabuting Balita

Lucas 9:23-26

Ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.

✠ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa lahat,
“Kung ibig ninumang sumunod sa akin,
limutin niya ang ukol sa kanyang sarili,
pasanin araw-araw ang kanyang krus,
at sumunod sa akin.
Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay
ay siyang mawawalan nito;
ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay
alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.
Ano nga ang mapapala ng tao,
makamtan man niya ang buong sanlibutan
kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay?
Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapapahamak?
Kapag ako at ang aking mga salita
ay ikinahiya ninuman,
ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao pagparito niya
na taglay ang kanyang karangalan
at ang karangalan ng Ama at ng mga banal na anghel.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.